I miss it, I really Do. huhuhu
Grabe ang hirap mag plano ng leave. Bawat araw mahalaga. Bawat oras binibilang. Dati pag may 5 days leave ka pwede maging 2 weeks... ngayon, puro legal 1 Day before and after na lang... kakalungkot. Para makapag bakasyon ka ng mejo stress free, atleast 10 days para naman may allowance ka sa napaka stressfull na way of travelling naming mga crew. Standby Forever. Para kong nasusuka pag naiisip ko na mababump off kami ni sonnie. Nde kaya ng sikmura ko. Kung ako lang ok lang eh, pero pag kasama ko asawa ko, nde ako mapakali, paran kong nakadroga ang mata ko naka bright ang utak ko parang time bomb hanggat nde kami nakaupo at nakasara na ang pintuan ng eroplano.
So ngayon, ilang araw na kong naloloka. Pupunta kaming Bangkok. Gusto ko makasakay kami sa Airbus 380, excited ako, pero anak naman talaga ng tokwa, baket ganon, sabi recession, sabi walang kita ang kumpanya pero ang mga flight to Bangkok anak ng tinapa OVERBOOKED FOREVER! anyway, We will take our chances. 4 Flights naman eh. Yung papuntang Phuket pikit mata na kong magbabayad ng full fare, baka naman masira ulo ko pag dun kami nabump off ni sonnie. bka nde ko kayanin.
Tapos pauwi naman ng Manila, Jusko naman ang mga Pilipino, laging gusto ng reunion sa airport. Parang nag usapusap na sabay sabay lagi uuwi!
Haaaay pangarap na lang yata ang mag travel kami ng nde ako nasestress... Kaya dapat talaga pag nagbabakasyon sinusulit eh. Kahet pagbalik ng Dubai parang lantang gulay sa carrefour.
Excited na ko! Dalwang flights na lang bakasyon na kami! Theran at London na lang tapos Bakasyon na! Tapos Manila na to see my family and friends :) Kala mo naman ke tagal ng Leave eh 12 days lang dami gusto puntahan ! hmmmmph!
No comments:
Post a Comment